-- Advertisements --
ILOILO CITY – Pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang pagpapasinaya sa mga cashless buses sa Western Visayas.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Tugade, sinabi nito na ang nasabing mga bus ay may IT application kung saan hindi na anya kailangan pa ng pera sa pagsakay dito.
Ayon sa kalihim, sa pamamagitan nito, mababawasan ang posibilidad na magkahawaan ng COVID-19 ang mga pasahero at staff ng bus.
Maliban sa nasabing proyekto, pinangunahan rin ni Tugade kasama si Labor Sec. Silvestre Bello III ang pagbibigay ng Livelihood Projects sa mga oversease Filipino Workers.