-- Advertisements --

Kasabay nang paggunita ng bansa ng National Heroe’s Day, nanawagan si Vice President Leni Robredo sa publiko na magpabakuna na kontra COVID-19 at patuloy na sumunod sa health protocols.

Ayon kay Robredo, kabayanihan nang maituturing ang dalawang bagay na ito, pati na rin ang pagsisilbi sa propesyong medikal; ang pagbabahagi ng katotohanan at pagpalag sa kasinungalingan; at ang pagtulong sa nangangailangan sa abot ng makakaya.

Hindi naman kasi aniya kailangan ang magarbong pagkilos dahil ang bawat hakbang, gaano man ito kaliit, ay kabayanihan nang maituturing basta nakatuon ang mga ito sa kapwa.

Nagbigay pugay naman si Robredo sa napakaraming mga Pilipino na nagsakripisyo ng kanilang buhay para sa bayan.