-- Advertisements --

Tiniyak ni Chief Justice Diosdado Peralta na kanilang susuriin ang dahilan sa pagka-delay sa pagpapalaya sa mga quarantine violator.

Sinabi nito na makikipag-ugnayan sila sa iba’t ibang ahensya lalo pa’t libu-libo na ang naaresto sa loob ng 7 months na lockdown.

Inamin din nito na bago lang niya nalaman ang nasabing isyu.

Dahil dito, susuriin muna Korte Suprema kung saan nagmula ang delay.

Kung ang problema aniya ay ang pag-post ng piyansa, “tatawag siya kaagad sa mga hukom” at sasabihin sa kanila na palayain ang mga ito.

Una nang lumutang na nasa 1,728 ang kasalukuyang nakakulong daw matapos lumabag sa mga quarantine laws.