-- Advertisements --
Sinimulan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang pag-imbestiga sa pagkamatay ng 3-taong gulang na bata na tinamaan sa crossfire sa isang police operation sa Rizal noong Linggo.
Sinabi ni CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia, nagpadala na sila ng investigating team para imbestigahan ang pagkamatay ni Myka Ulpina sa isang anti-drug operation sa bayan ng Rodriguez.
Patay din sa crossfire ang ama ng bata at isa pang kasama nito, pati na rin ang undercover police officer na si Senior Master Sgt. Conrad Cabigao.
Ayon sa pulisya, ginamit ni Dolorfina ang kanyang anak bilang panangga sa pamamaril sa kanya, pero mariing itinanggi ito ng ina ng bata, sa pagsasabi na natutulog sila nang mangyari ang insidente.