Tinawag ni Senator Grace Poe na isang malaking trahedya at kriminal sa parte ng mga health official ang pagkawala ng oportunidad ng bansa na makuha ang 10 million doses ng Pfizer vaccine.
Aniya, nangyari ito dahil sa mahinang aksyon at ang pamumuno ng Department of Health ay hindi makapagpasya at hindi makapagbigay ng tamang rekomendasyon.
Giit pa ng senadora, pagod na ang mga tao sa mga quarantine requirements at restrictions.
Naghihirap na ang ekonomiya at ilang bilyon na ang gastos ng gobyerno para sa kaligtasan ng mamamayan at mga tulungan ang mga apektadong negosyo.
Dahil umano sa kahinaan ni Health Sceretary Francisco Duque na gumawa ng desisyon, pinagkaitan niya ang bansa na makakuha ng ilang doses ng bakuna at ang pag-asa na makarekober ang ekonomiya.
Plano ngayon ni Poe na makikipagpulong sa Senate Committee kasama si Duque upang malaman ang kanilang iba pang concern may kaugnayan sa vaccination program ng bansa.