-- Advertisements --

DAVAO CITY – Gaya sa nakaraang taon, aasahan na magiging simple lamang ang pagdiriwang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-77th birthday ngayong araw.

Gagawin lamang ng Pangulo na pribado ang kanyang selebrasyon kasama ang kanyang pamilya at mga apo.

Nabatid na una ng ginawa ng Pangulo ang kanyang nakagawian sa nakaraang linggo kung binisita nito ang mga bata na may cancer sa Southern Philippines Medical Center (SPMC).

Ilang buwan bago bumaba sa kanyang puwesto, sinabi ng Pangulo na babalik na siya sa lungsod dahil natupad na umano ang kanyang trabaho at pangarap para sa kanyang mga anak na pareho ngayon na nasa pulitika.

Una ng nagpaabot ng mensahe ang kanyang anak na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio kung saan wish nito na makamit ng Pangulo ang magandang kalusugan at kasiyahan.

Samantalang umaasa ang Pangulo sa malinis, patas at honest election sa darating na Mayo bago siya papalitan sa kanyang puwesto na bahagi ng kanyang legasiya.