-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Russia na kanilang sinususpendi ang pagbiyahe ng mga trigo mula sa mga pantalan sa Black Sea.

Inakusahan kasi ng Russia ang Ukraine ng malawakang drone attack sa Black Sea Fleet sa Seavastopol, Crimea.

Hindi naman inamin ng Ukraine ang insidente at tinawag ni President Volodymyr Zelensky ang hakbang ng Russia bilang “predictable”.

Iginiit ng Russia na mayroong 16 na mga aerial at maritime drones na mula sa Ukraine ang kanilang nasira na.

Inakusahan din ng US ang Russia na tila ginagamit ang pagkain para ipakita na sila ay nagwawagi kontra Ukraine.