-- Advertisements --

Nilinaw naman ng Palasyo ng Malakanyang na walang kaugnayan sa anumang imbestigasyon sa mga flood control projects ng pamahalaan ang naging pagbisita ng kinatawan ng US Embassy sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) kamakailan.

Ayon kay Palace Press Officer USEc Claire Castro, kinumpirma mismo ni Atty. Keith Hosaka ng ICI na ito ay isang simpleng courtesy call lamang upang alamin ang mandato at metodolohiya ng komisyon.

Wala aniyang napag-usapang usapin ng tulong, pagpopondo, o paglahok ng mga banyagang organisasyon sa mga proyekto ng gobyerno.

Dagdag pa ni Castro, ang nasabing pagpupulong ay hindi indikasyon ng anumang imbitasyon o imbestigasyon ng mga dayuhang bansa sa mga foreign-assisted projects ng pamahalaan.