Target ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na buksan ang COVID-19 booster shots sa mga fully vaccinated nang government workers at economic frontliners o iyong mga pasok sa ilalim ng A4 category pagsapit ng Disyembre 2021.
Ayon kay Nograles, balak ng pamahalaan na isabay sa second phase ng 3-day COVID-19 vaccination drive ang pagbibigay ng booster shots sa A4 group.
Bukas ng umaga nakatakdang ilunsad ang unang 3-day vaccination campaign, na tatagal hanggang Disyembre 1.
Sa darating na Disyembre 10 naman nakatakdang simulann ng pamahalaan ang pagbibigay ng karagdagang vaccine doses para sa economic frontliners.
Balak tapusin aniya nila ang pagbibigay ng booster shots para sa mga health workers, mga matatanda, at mayroong mga comorbidities ngayong taon.