Patuloy pang pinag-uusapan ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases kung babawiin na ang pagdeklara ng state of calamity sa bansa dulot ng pandemya.
Napag-alaman na itinaas ng mga kinatawan ng Department of Health (DOH) ang “operational implications” ng naturang hakbang.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na manganganib ang bansa na mawala ang validity ng emergency use authorization (EUA) na ipinagkaloob sa mga bakuna at gamot na ginagamit para maiwasan at gamutin ang COVID-19 kapag naalis na ang state of calamity status.
Ipinunto niya na sa isang “nonemergency phase,” ang mga tao ay makakakuha lamang ng COVID-19 jabs mula sa mga manufacturer ng bakuna na inisyu ng certificate of product registration (CPR) ng lokal na Food and Drug Authority.
Ngunit para maging karapat-dapat ang mga kumpanya para sa aplikasyon ng CPR, kailangan nilang kumpletuhin ang kanilang Phase 4 clinical trials ng kanilang mga produkto.
Nauna nang iminungkahi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na alisin ang public health emergency para ipagpatuloy ang mas maraming aktibidad sa ekonomiya at panlipunan at isulong ang produktibidad at kumpiyansa sa populasyon.Top