Suportado ng Department of Transportation (DOTr) ang inapruabahang resolusyon ng Metro Manila Council (MMC) na pansamantalang ipagbawal muna ang mga hindi pa bakunado kontra COVID-19 na makasakay sa mga pampublikong sasakyan.
Kabilang sa mga ipinagbabawal sa mga hindi pa bakunado kontra COVID-19 ay ang pagsakay sa mga land, sea at air public transport habang ang Metro Manila ay nasa ilalim ng Alert Level III.
Pero pinahintulutan naman kung ito ay para sa pagbili ng mga essential goods at services, pero kailangan may maibakitang katibayan para ma-justify ang pagsakay sa mga pampublikong sasakyan.
Sakop sa naturang resolusyon ang mga batang edad 17-anyos pababa, senior citizens, mga buntis, at iyong mayroong mga comorbidities.
Sinabi ng DOTr na makikipag-ugnayan sila ng kanilang mga attached agencies sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa enforcement ng naturang polisiya.










