-- Advertisements --

DAVAO CITY – Naghahanda na rin ang lalawigan ng Davao del Sur sa posibleng pag-uwi sa kanilang lalawigan ni Nesthy Petecio pagkatapos ni Tokyo 2020 Olympics.

Sa panayam ng Bomboradyo kay Davao del Sur Governor Marc Cagas, maging siya ay nabigla sa pagkakapanalo kay Nesthy Petecio, residente ng Purok Gumamela Brgy. Tuban Sta. Cruz Davao del Sur lalo na at sa gym ni Sen. Manny Pacquiao sa Digos ito madalas na nagsasanay ng boksing noon.

Dagdag ng opisyal, dahil sa abilidad ni Petecio sa pagboboksing ang gobernador umano ang nag-endorso ito sa isang kilalang negosyante para tulungan na makapaghanda sa Olympics.

Tiniyak ng opisyal na bibigyan nila ng pagkilala si Petecio sa pag-uwi nito at magbibigay sila ng konting halaga ng pera para sa Pinay boxer.

Sa kasalukuyan, pinapaunlad na rin ng lalawigan ang kanilang sports tourism para maaari na silang makapag-host ng National at regional meet at maraming mga atleta na rin ang mabibigyan ng pagkakataon na makapag-training sa kinahihiligan nilang mga laro.