-- Advertisements --

Nasa $6.2-milyon o katumbas ng P300 milyon ang kinita sa ticket sales ng nakalipas na laban nina Sen. Manny Pacquiao at Keith Thurman.

Batay sa report, nakapagbenta ng kabuuang 11,436 tickets ang naturang World Boxing Association welterweight showdown na ginanap sa Las Vegas nitong nakaraang weekend.

Nag-isyu rin ang organizers ng 1,675 complimentary tickets.

Kung ihahambing, mas mataas ito nang bahagya sa $6-milyon na kinita naman ng bakbakan nina Pacquiao at Adrien Broner noong Enero.

Samantala, pinakamataas pa rin ang $72-milyon na naibentang ticket noong nagharap ang fighting senator at si Floyd Mayweather Jr., noong 2015.