-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Filipino boxing legend Manny Pacquiao na kaniyang makakaharap sa susunod na taon si Muay Thai fighter Buakaw Banchamek.

Personal na nagtungo sa Thailand ang dating senador para sa pormal na anunsiyo kasama ang Thailand fighter.

Ang exhibition fight ay base sa ilalim ng international boxing rules.

Huling lumaban si Pacquiao ng talunin si Korean fighter DK Yoo sa isang exhibition fight noong Disyembre.

Itinuturing ng karamihan na isang makakatotohanan ang laban ng dalawa dahil sa kapwa kilala sila sa kani-kanilang mga sports.