-- Advertisements --

GUIHULNGAN CITY – Nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng ng 62nd Infantry “Unifier” Battalion at 8 Communist NPA Terrorists dakong alas 7:30 ng umaga nitong Setyembre 7, sa Sitio Manlibod, Brgy Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental.

Inilunsad ng mga otoridad ang operasyon bilang tugon na rin sa natanggap na impormasyon mula sa isang concerned citizen patungkol sa presensya ng mga NPA at mga extortion activities ng mga ito.

Ayon pa, habang papalapit ang tropa ng pamahalaan sa kanilang target, pinaputukan sila ng mga komunistang grupo.

Ito rin umano ay ang parehong grupo na nakasagupa ng Unifier troopers noong Agosto 16 at 17, 2022 sa Sitio Cambairan, Brgy Trinidad ng nabanggit na lungsod.

Naganap ang limang minutong palitan ng putok na nagresulta sa pagkasawi ng isang miyebro ng NPA na kinilalang si Greg Cantilla alyas Jordan, 45 anyos at miyembro ng Sentro de Grabidad Platoon, CN1.

Narekober ng mga otoridad ang isang caliber 45 pistol na may SN M08113971, isang hand grenade, dalawang magazine para sa caliber 45 pistol na may kargang mga bala, mga bala para sa .38 revolver, isang binocular, at iba’t ibang naiwang personal na gamit.

Wala namang naiulat na nasawi sa panig ng gobyerno.