BAGUIO CITY – Nakasuhan na ng paglabag sa liqour ban ang dalawang lalaki matapos na tinangkang ipuslit ang ilang karton ng alak sa Tangadan, San Quintin, Abra.
Nakilala ang mga ito na sina Henry Bodaño, driver; at ang kasama nitong si Joseph Sobremonte, kapwa residente ng Zone 6, Bangued, Abra.
Batay sa report ng pulisya, nasabat ang 30 karton na naglalaman ng mga alak sa container van na gamit ng mga suspek nang dumaan ang mg aito sa isang control point sa lugar.
Inihalo ng mga suspek ang mga dala-dalang alak sa mga bote ng softdrink.
Nabatid na aabot sa halos P50,000 ang kabuuang halaga ng mga alak na nakumpiska ng mga awtoridad.
Ayon sa San Quintin Municipal Police Station, nanggaling ang mga nakumpiskang alak sa Narvacan, Ilocos Sur at dadalhin sana sa Bangued, Abra.