-- Advertisements --

VIGAN CITY – Tumataginting na P5 million daw ang ipagkakaloob ni Mayor Chavit Singson ng Narvacan sa kung sinuman na magpapatunay na mayroong nangyayaring black sand mining sa lugar na nasasakupan niya.

Chavit Singson
Narvacan Mayor Chavit Singson

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay League of the Municipalities president at Narvacan Mayor Luis Chavit Singson, magbibigay umano siya ng pabuya sa makapagsasabi na mayroong nagaganap na black sand mining dahil alam umano ng mga tao sa kanyang lugar ang mga totoong nangyayari.

Sinasabi ni Singson na naghahanap lamang sila ng isyu dahil wala na silang maibato laban sa kaniya at gumagawa lamang ang mga ito ng kwento.

Iginiit ng mayor na sa simulat-sapol ng umupo sya sa puwesto ay wala ni isang nangyaring illegal na black sand mining sa lugar nila.