-- Advertisements --
Tiniyak ni Social Welfare Sec. Rolando Bautista na bibilisan pa nila ang pamamahagi ng tulong sa mga nangangailangan ng social amelioration program dahil sa problemang dulot ng COVID-19.
Ayon kay Bautista, nasa 3.7 million families na ang napagkalooban ng dagdag na suporta mula sa mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
May halagang P16.3 billion umano ang nailaan sa nasabing hakbang.
Habang may 77,244 low income families naman na hindi kasama sa 4Ps ang nabigyan na rin, kung saan P424 million ang nailaan.
Sa kabuuan, P48 billion na ang naihatid ng national government sa local government units (LGUs) para sa social amelioration program, maliban pa sa P800 million na para sa BARMM.