-- Advertisements --

Nasa mahigit P200-milyon halaga ng mga pekeng luxury brand products ang nakumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) National Capital Region sa mga establishimento sa Greenhills shopping center sa lungsod ng San Juan.

Nagbunsod ang raid matapos na makatanggap ang NBI ng reklamo sa talamak na pagbebenta ng mga pekeng produkto.

Matapos ang ginawang ilang araw na pagmamanman ay agad silang nakakuha ng search warrants mula sa Manila Regional Trial Court Branch 46 na agad nilang sinalakay ang lugar.

Tumambad sa mga tauhan ng NBI ang mga pekeng bag, tsinelas, alahas at mga relo.

Inihahanda na ng NBI ang kaso laban sa negosyanteng may-ari ng establishimento.