-- Advertisements --

Posibleng magkaroon daw ng umento sa presyo ng kada kilo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa unang araw ng Disyembre.

Ayon sa mga energy sources, papalo sa P2 hanggang P3 ang nakikita ng mga Department of Energy (DoE) na dagdaga sa presyo ng kada litro ng LPG.

Katumbas ito ng P22 hanggang P33 na dagdag sa kada 11 kilogram na regular cylinder ng LPG.

Sinabi ni DOE Oil Industry Management Bureau director Atty. Rino Abad na ang buwan ng Nobyembre at Disyembre ay nararanasan talaga ang pagtaas ng presyo ng petrolyo dahil sa impact period ng LPG inventory build-up.

Pero pagsapit naman daw ng Enero, Pebrero at Marso ay bababa na ang presyo dahil sa utilization period.

Kung maalala, ngayong buwan ang presyo ng LPG products ay may dagdag na P3.50 kada kilo habang ang AutoLPG prices ay tumaas naman ng P1.96 kada litro.