-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Binunot at sinunog ng mga otoridad ang P2.9-milyon halaga ng marijuana sa New Balbalan, Lacnog, Tabuk City, Kalinga.

Base sa report ng Kalinga Police Provincial Office, nadiskobre ang 14,500 na mga fully-grown marijuana plants sa apat na plantation sites sa nasabing lugar.

Nakatakas naman ayon sa pulisya ang sinasabing cultivators sa naturang lugar pero nakilala naman ang may-ari ng isang kubo na natagpuan 70 metro ang layo sa mga nadiskobreng plantation sites.

May nakuha namang marijuana seed ang mga pulis sa naturang kubo.