-- Advertisements --
Department of Agriculture 1 1

Ibinunyag ng isang opisyal ng Department of Agriculture (DA) na awtomatikong mayroong P1 billion pondo na inilaan ng pamahalaan para sa mga magsasaka sa ilallim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) program.

Ayon kay DA Asec. Arnel De Mesa, katuwang ng ahensiya ang Agricultural Credit Policy Council (CPC), LandBank at Development Bank of the Philippines (DBP) para sa financing ng nasabing pondo.

Dagdag pa ng DA official na tig-P500 million ang magmumula sa LandBank at DBP gayundin ang Agricultural Credit Policy Council ay magbibigay ng P500 million para sa kanilang credit programs.

Ang RCEF program ay nilikha sa ilalim ng Republic Act No. 11203 na kilala sa tawag na Rice Tarrification Law para malinang ang competitiveness ng mga magsasaka sa harap ng rice trade policy liberalization.

Iniulat din ng DA official na mayroong sobrang nakolekta na P12 billion na maaaring gamitin base sa Republic Act 11598 o “Cash Assistance for Filipino Farmers Act” para sa pagbibigay ng financial assistance sa mga magsasaka o katumbas ng P5,000 sa bawat masasaka na nagsasaka nang hindi tataas sa dalawang ektarya.