-- Advertisements --
image 270

Instant milyonaryo ang isang mananaya mula sa probinsya ng Cavite matapos na mapanalunan ang mahigit P147M na jackpot prize sa ginanap na Super Lotto 6/49 draw Linggo ng gabi.

Ayon sa inilabas na statement ng Philippine Charity Sweepstakes Office ngayong araw, sinabi nito ang ang lucky winner ay nagmula sa Silang, Cavite ang nakakuha ng winning combination number na 47-35-02-13-38-17 na may kabuuang premyo na PHP147,354,716.40.

Maaari namang i-claim ng mananaya ang kanyang premyo sa main office ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa Mandaluyong City.

Kinakailangan lamang na ipresenta nito ang kanyang winning ticket at two valid IDs.

Samantala, bilang pagtalima sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law, ang mga panalo sa lotto na higit sa sampung libong piso ay babawasan ng 20% na tax.

Ang mga premyong naman na hindi na-claim sa loob ng isang taon ay mawawalan ng bisa.

Inanunsyo rin ng PCSO na aabot sa 40 na indibidwal ang nanalo ng P50,000 bawat isa matapos na makakuha ng limang kombinasyon ng numero.

1,659 rin na mananaya ang nanalo ng tig PHP1,200 matapos na makuha ang apat na kombinasyon ng numero at at 32,968 rin ang mabibigyan ng tig P50 para sa tatlong tamang digit na kanilang nakuha