-- Advertisements --
Produktong Petrolyo

Inaasahang magpapatupad ng dagdag bawas na singil sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa 5-days oil trading, ang presyo ng gasolina ay inaasahang magkakaroon ng umento na P0.40 hanggang P0.70 kada litro.

Kung nagkataon, ito ang unang pagkakataong pagtaas sa nakalipas na halos isang buwan.

Samantala, magandang balita naman dahil ang presyo ng diesel ay inaasahang magkakaroon ng rollback na P0.90 hanggang P1.20 kada litro.

Habang sa presyo naman ng Kerosene ay magkakaroon ng tapyas na P0.80 hanggang P1 kada litro.

Inaasahang mag-aanunsiyo sa araw ng lunes ang mga kompaniya ng langis ng opisyal na paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo at ipapatupad sa araw ng Martes.