-- Advertisements --
ltfrb

Muling maghahain ng petisyon ang transport group na Pasang Masda sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa provisional fare hike o pansamantalang dagdag pasahe na P1.

Ito ay sa gitna ng inaasahang panibagong dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Paliwanag ni Pasang Masda president Obet Martin na pansamantala lamang ang kanilang ihihirit na taas pasahe at kapag nagbalik na sa normal ang presyuhan sa mga produktong petrolyo ay maaaring i-recall na ang piso na dagdag pasahe.

Nito ding unang bahagi ng buwan ng Agosto ay nagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo habang inaasahan naman na magkakaroon ng umento sa presyo ng gasolina at kerosene habang posibleng wala namang adjustment o magpatupad ng rollback sa diesel sa susunod na linggo.