-- Advertisements --
Nasa P1-milyon na raw na cash donation ang natanggap ng Office of the Civil Defense (OCD) para sa mga kailangan na relief kontra COVID-19.
Kaugnay nito, hinimok ni OCD administrator Ricardo Jalad ang lahat ng government agencies na magpadala ng report sa kanila para malaman kung magkano na rin ang nalikom na tulong ng iba pang tanggapan ng pamahalaan.
Nilinaw ng opisyal sa pahayag na ito ay para sa kaayusan ng distribusyon, gayundin na para matiyak na lahat ay pantay na mabibigyan ng tulong.
Sa ilalim ng Administrative Order No. 27 ni Pangulong Duterte, naka-mandato na kailangang i-coordinate sa OCD ang lahat ng ido-donate sa bansa para sa laban kontra COVID-19.