-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umaabot sa P1.4 million ang halaga ng manok na panabong ang ninakaw sa game farm ni Ang Asosasyon Sang Mangunguma Nga Bisaya-OWA (AAMBIS-OWA) Partylist Representative Chris Anthony Lex Colada.

Ang mga suspek ay sina Ronald Bluma, Jay-R Jimenez, Ronilo Gumayao at Jun Jimenez.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Captain Felice Dioso, hepe ng Guimbal Municipal Police Station, sinabi nito na nagpapatuloy ngayon ang kanilang ginagawang hakbang upang mahuli ang mga suspek.

Ayon kay Dioso, umaabot sa labinlimang manok panabong ang ninakaw ng mga suspek kung saan ang mga iba nito ay isinauli na.

Nanawagan naman ang mga otoridad sa mga bebentahan ng ninakaw na mga manok panabong na kaagad ipagbigay-alam sa mga otoridad sakaling bentahan sila.

Napag-alaman na maliban sa game farm ni Rep. Colada, ninakawan rin ang isang game farm sa bayan ng Anilao, Oton at Barotac Viejo sa Iloilo.