-- Advertisements --
OWWA

Bibigyan ng hero’s welcome si Marjorette Garcia, ang Overseas Filipino Worker(OFW) na namatay sa Saudi Arabia.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio, nakausap na niya ang pamilya ng biktima at natalakay ang pagpapauwi ng pamahalaan sa kaniyang mga labi.

Nangako ang opisyal na sa lalong madaling panahon ay maiuuwi ang mga labi ng biktima.

Maliban dito, tiniyak din ng opisyal ang ibibigay na tulong sa naulilang pamilya ng biktima.

UNa nang tiniyak ni Department of Migrant Workers (DMW) Officer-in-Charge Undersecretary Hans Leo Cacdac ang pagtutok sa kaso ni Garcia.

Ayon sa kalihim, kasalukuyang nasa prosecutor ang kaso at maaari aniyang humantong ito sa criminal court.

Matatandaang sa naunang inilabas na imbestigasyon ng mga otoridad, natukoy na nagtamo ng maraming saksak sa katawan ang 32 anyos na OFW.

Si Garcia ay unang na-deploy sa Saudi noong 2021.