Pansamantalang isasara muna ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang kanilang outpatient services simula Enero 7 sa harap ng COVID-19 cases sa Pilipinas.
Kaya naman pinapayuhan na lamang ni NKTI Executive Director Dr. Rose Marie Liquete ang kanilang mga pasyente na komunsulta sa kanilang mga doktor sa pamamagitan ng telemedicine sa pansamantala.
Subalit kung urgent at emergency naman ang kaso ng pasyente, nilinaw ni Liquete na maari namang pumunta an gmga ito sa kanilang emergency room.
Sinabi ni Liquete na hanggang noong Enero 4, mayroon na silang 62 COVID-19 patients sa kanilang ospital.
Mula nang mag-Bagong Taon ay tuloy-tuloy kada araw ang pagtaas aniya ng bilang ng mga COVID-19 patients na isinusugod sa kanila.
Karamihan sa mga pasyenteng ito ay pawang nakitaan aniya ng moderate na mga sintomas.
Samantala, 34 sa kanilang mga healthcare workers ang tinamaan na rin aniya sa ngayon ng COVID-19.
Kasalukuyang naka-quarantine na rin ang mga ito, na nakitaan din ng mga mild symptoms.