-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kinumpirma ni Vice President – elect at outgoing Davao City Mayor Sara Duterte na hino mamadalo si outgoing Vice president Leni Robredo sa kanyang outh takiing sa June 19 dahil natuon ang naturang petsa sa selebrasyon ng Naga Charter Day.

Samantala, hindi pa rin nagbigay ng kompirmasyon na makakadalo sa naturang event ang running mate ni VP Inday Sara na si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. habang kinumpirma naman ng office of the president na dadalo sa inagurasyon ng kanyang anak si outgoing President Rodrigo Duterte.

Na-una ng inihayag ni VP Sara na napadalhan na ng kanyang mga staff ng imbitasyon ang lahat ng mga nais nitong imbitahan sa kanyang inagurasyon sa araw na ng Linggo.

Iilan umano sa mga ito ang nagpahayag na ng kaniyang kompirmasyon pero hindi muna umano ilalahad kung sino-sino ang mga ito.

Aasahan ang pagdagsa ng libo-libong supporters ni VP Sara hindi lamang mula Davao City at karatig na mga probensiya kung hindi pati na rin ang mga nagmula pa sa Luzon at Visayas.