Kinuwestiyon ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate ang constitutionality ng otoridad ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) para maglabas ng freeze order sa property o funds na iniuugnay sa pag-finance sa terorismo nang walang notification sa concerened persons o groups.
Sa plenary deliberations ng proposed budget ng AMLC para sa 2021, snabi ni Zarate na ang probisyon ng batas na ito ay maaring gamitin laban sa mga legitimate groups na iniuugnay sa terorismo o hindi kaya ay biktima ng red-tagging.
Tinukoy din ng kongresista ang Section 1, Article 3 ng 1987 Constitution kung saan nakasaad na hindi maaring supilin ang life, liberty, o property ng isang indibidwal na hindi dumadaan sa due process ng batas.
Bilang sagot, sinabi ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, sponsor ng proposed budget ng AMLC, na ang terorismo ay banta sa life, liberty, at property ng mga Pilipino.
Gayunman tiniyak nito na mayroong competent bodies para makapag-establish ng probable cause kung mayroong mga bantang ito.










