-- Advertisements --
Pinasisilip ni Albay Rep. Edcel Lagman sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang operasyon ng Malasakit Centers sa bansa.
Nababahala kasi ang kongresista sa posibilidad na nagagamit bilang “partisan tool” ang Malasakit centers sa halip na magsilbi bilang medical outlet.
Nabatid na P2.8 billion mula sa kabuuang kita ng PCSO ay napupunta sa Indigent Medical Assistance Program o IMAP kasama na ang Malasakit Centers.
Ayon kay Lagman, dapat maimbestigahan ito sa gitna ng mga impormasyon na hindi nagagampanan ng Malasakit Centers ang trabaho nitong tulungan ang maraming may sakit.