-- Advertisements --

Pasok na sa NBA Finals ang Oklahoma City Thunder matapos talunin ang Minnesota Timberwolves 124-94.

Bumida sa panalo ng OKC si NBA Most Valuable Player Gilgeous-Alexander na mayroong 34 points, walong assists at pitong rebounds para makuha ng OKC ang 4-1 sa best of seven Western Conference Finals.

Nagdagdag naman ng 22 points si Chet Holmgren habang mayroong 19 points si Jalen Williams para sa OKC.

Huling nakapasok sa finals ang OKC ay noong 2012 kung saan makakaharap nila ang sinumang manalo sa pagitan ng Indiana Pacers at New York Knicks.