-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ng bawas presyo sa kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis.
Nitong ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.25 na bawas sa kada litro gasolina.
Habang ang diesel ay mayroong P0.45 na bawas sa kada litro at ang kerosene naman ay nagbawas ng P0.90.
Itinuturing na ang dahilan ng nasabing bawas presyo ay ang pagbawas ng tensiyon sa pagitan ng Israel at Iran ganun din ang pagbawas ng demand ng krudo.