-- Advertisements --
OIL PRICE HIKE PISTON

Inaasahang magpapatupad ng umento sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Ang presyo ng diesel at gasolina ay inaasahang magkakaroon ng umento na P1.90-P2.20 kada litro.

Habang sa presyo naman ng Kerosene inaasahan ang umento na P1.70 hanggang P1.90 kada litro.

Ang inaasahang pagtaas ng presyo ng mga petroleum products ay bunsod ng forecast na magbabawas ang Russia ng oil supply nito.

Ang Russia kasi ang isa sa pinakamalaking oil players sa buong mundo bago ang giyera sa Ukraine na nahaharap ngayon sa ipinataw na economic sanctions mula sa West dahil sa nagpapatuloy na conflict sa Ukraine.