-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sugatan ang isang guro sa pamamaril ng riding in tandem suspects sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Baimon Ambalgan,58 anyos,Teacher in charge ng Campo Elementary School ng Paglat District Maguindanao 1 Division at residente ng Tacurong City.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Christopher Panapan na lulan ang biktima sa kanyang minamanehong kotse mula sa paaralan papauwin na sa kanyang tahanan.

Pagsapit ng guro sa bahagi ng Pandag Maguindanao ay bigla itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Pandag.

Agad namang naisugod ng mga bystanders ang biktima sa pagamutan at nasa maselang kondisyon.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pandag PNP sa pamamaril sa biktima.