-- Advertisements --

Pinayuhan ng independent group na OCTA research group ang mga botante na ‘wag maging basehan ng kanilang pagboto ang lumalabas na iba’t ibang mga survey results sa mga presidentiables.

Ayon kay OCTA Research president and UP political science Professor Ranjit Rye, ang dapat pagbasehan pa rin sana ng publiko ay mga programa, plataporma, at pangarap ng mga kandidato para sa ating bansa.

Ginawa ni Prof. Rye ang pahayag matapos na ilabas nila sa kanilang pag-analisa na halos 20 percent pa rin ng mga Pinoy voters ang hindi pa rin naisasapinal ang kanilang iboboto sa darating na Mayo 9.

Dahil dito naniniwala si Prof. Rye na maaring ang mga presidential aspirants ay lumigaw ng husto sa mga tinaguriang “soft vote.”

Inihayag pa ng propesor na ang naturang 20% na mga undecided voters ay posibleng makapagpabago pa sa mga kandidato sa mga darating na surveys.