
Nanindigan ang independent monitoring group na OCTA Research na ipagpapatuloy pa rin nito ang paglalabas ng mga public advisories.
Ito ay sa kabila ng deklarasyon ng World Health Organization na nagwawakas sa pagturing sa COVID-19 bilang global health emergency.
Paliwanag ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, tanging ang global state of emergency lamang ng COVID-19 ang winakasan ng WHO ngunit hindi pa rin ito nangangahulugan na wala nang banta ng COVID-19 sa bansa.
Bukod dito ay binigyang diin din ni David na hindi na magkapareho pa ang COVID situation ngayon sa bansa kumpara noong taong 2020 o 2021.
Aniya, dapat ay hintayin pa rin ng lahat ang opisyal na anunsyo ng WHO kung ituturing nang endemic ang COVID-19.
Dahilan kung bakit dapat na magpatuloy pa rina niya ang pagpapaalala at abiso sa publiko kaugnay sa COVID-19 para sa makapaghanda kung sakaling may pagtaas ng mga kaso nito sa bansa.
Kasabay nito ay hinikayat din ni David ang mga otoridad na ipagpatuloy ng mga ito ang pagmomonitro sa bilang ng mga kaso ng nasabing virus na naitatala sa bansa habang nagpaalala naman ito sa publiko lalo na sa mga senior citizens at may mga comorbidities na palaging mag ingat upang maiwasang madapuan ng COVID-19.










