-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Natunton na ng militar ang pagkakakilanlan ng apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) na pumaslang sa kapwa rebelde nito sa Lagonglong, Misamis Oriental.
Kinilala ng Maj. Leoden Bajado, commanding military officer ng 58th Infantry Brigade, Philippine Army ang biktima na si Rodrigo “Esto” Hilogon, 34, residente ng Brgy. Banglay.
Habang ang suspek ay sina Beningno “Sacar” Lindaan, Edon “Uno” Romania, Aces Romania, at Edgardo Hilogon.
Batay sa ulat, tinali, sinaksak at binalatan ng mga rebelde ang kapwa NPA.
Naniniwala ang militar na pinatay si Esto matapos ihayag ang planong pagbabalik loob sa gobyerno.