-- Advertisements --

Nagsalita na ang dating nobyo ni Mariah Carey na si Bryan Tanaka ukol sa kanilang hiwalayan.

Sinabi nito na ang nasabing paghihiwalayan nila ay “mutual”.

Sa social media account ng backup dancer ng singer na naging mahirap ang hiwalayan nila at kanilang nirerespeto ang anumang naging desisyon nila.

Mananatiling nakaukit aniya sa kaniyang puso ang masayang ala-ala ng kanilang pinagsamahan ng mahigit pitong taon.

Taong 2016 ng magsimula ang kanilang relasyon kung saan nais ni Bryan na magka-anak sila subalit hindi pumayag umano ang singer.

Umusbong ang usapin na hiwalay na ang dalawa matapos na makita na mag-isang nag-shopping ang singer at hindi rin dumadalo ang nobyo sa mga show ng singer.