Ipapatupad ng Philippine Sports Commission (PSC) ang no vaccine, no entry policy sa oras na magbalik na sa kanilang training ang national team sa Enero 2022.
Inanunsyo ito ng ahensya kasunod na rin nang pag-apruba sa resumption gn training para sa ilang piling national teams sa Rizal Memorial Sports Complex, Philsports Complex, at Baguio Training Camp.
Bumuo ang PSC ng technical working group para matukoy ang lahat ng mga kinakailangang paghahanda at finalization din ng mga teams na ma-accomodate sa nabanggit na mga pasilidad.
Dahil sa resumption ng training, sinabi ng PSC na inaprubahan na rin nila ang safety guidelines na siyang ipapatupad sa oras na magbalik na ang mga atleta sa kanilang paghahanda.
Sa ngayon, ini-evaluate pa nila ang mga pasilidad na gagamitin at nakikipag-ugnayan na rin sa mga local government units kung saan matatagpuan ang mga venues na ito para matiyak na maipapatupad ng husto ang mga safety measures.
Matatandaan na sa mga unang buwan ng COVID-19 lockdowns, ginamit ang ilang venues ng PSC bilang quarantine facilities para sa mga COVID-19 patients.










