Inanunsiyo ngayon ng NBA ang tatlong natirang finalists na siyang mag-aagawan sa prestihiyosong Most Valuable Player (MVP) award.
Ang top three vote getters ay sina Denver Nuggets center Nikola Jokic, Philadelphia 76ers center Joel Embiid at Golden State Warriors guard Stephen Curry.
Sinuman ang mapili kina Jokic, Embiid at Curry, sa NBA highest honor ay maitatala sa kasaysayan ng liga.
Kung sakaling si Jokic o si Embiid ang manalo, ito ang unang pagkakataon na isang center ng NBA ang naging MVP mula nang tanghalin noon pang taong 2000 si Shaquille O’Neal bilang MVP.
Sakali namang si Curry ang kilalanin, siya naman ang pinakatanging isa sa siyam na mga players sa NBA history na makakasungkit ng pambihirang tatlong MVP awards upang pantayan ang ilan sa mga basketball greats na sina Magic Johnson, Larry Bird at Moses Malone.
Sinasabing heavy favorite na magwawagi ang 7-footer na si Jokic na tumipon ng 90 mga boto.
Kung maalala si Embiid ang siyang nagdala sa Sixers bilang may best record sa Eastern Conference.
Habang ang 33-anyos na si Curry, ang siyang scoring champion ngayon ng liga.