-- Advertisements --

Nagpakita ng world class performance ang Australian star na si Nick Kyrgios upang walisin ang defending US Open champion na si Daniil Medvedev sa nagpapatuloy na US Open doon sa New York.

Dahil dito umabanse na patungo ng quarterfinals si Kygious makaraang mamayani laban sa tournament favorite at world’s No. 1 sa score na 7-6 (13-11), 3-6, 6-3, 6-2.

Ilang eksena rin ang agaw pansin kay Kyrgious tulad na lamang ng paghambalos niya sa kanyang racket sa court sa kalagitnaan ng laro dahil sa pagkadismaya.

Hangad naman ni Kyrgious na umusad para sa second-straight Grand Slam finals appearance kung saan noong buwan ng Hulyo ay hindi siya umubra sa dating world’s No. 1 na si Novak Djokovic.

Samantala, dahil sa nangyaring upset kanina ni Medvedev inaasahan na sa pagtatapos ng US Open ay magkakaron ng bagong world’s No. 1 sa mga rankings.