Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na mayrong pinapairal na safety measures sa kanilang mga power lines upang walang sinoman na makuryente sa mga ito.
Ito ang naging sagot ni NGCP spokesperson Cynthia Alabanza sa naging pahayag ni Cagayan Governor Manuel Mamba na bahagyang nahihirapan ang rescue operation ng search and rescue teams dahil hindi pinatay ang mga power lines.
Ayon kasi kay Mamba, halos nakasayad na ang linya ng kuryente sa tubig kung kaya’t ikinakatakt nito na baka makuryente ang mga rescuers.
Una nang sinabi ng gobernador na nakapagtala na sila ng siyam na patay sa Cagayan dahil sa paghagupit ng bagyong Ulysses.
Paliwanag ni Albanza, pinapatay lang ng NGCP ang kanilang power lines kung may request silang matatanggap hinggil dito. Kasama sa mga sineserbisyuhan ng NGCP ang mga ospital at iba pang essential services na nangangailangan ng kuryente.
Dagdag pa nito, bukod umano sa NGCP ay may natanggap din silang reports kung saan posibleng maranasan ang electrical grounding dahil sa iba pang generators at power lines.










