Negros Oriental PHO, nakapagtala ng 2 nasawi dahil sa acute bloody diarrhea; Isang barangay naman sa Manjuyod, nakitaan ng pagtaas sa mga kaso ng typhoid fever
Nilinaw ng Negros Oriental Provincial Health Office na hindi pa umano maituturing na nagkaroon ng outbreak ng typhoid fever sa Brgy. Tanglad, Manjuyod Negros Oriental matapos naitala ang 23 kaso ng sakit sa nasabing lugar.
Ibinunyag ni Provincial Health Officer Dr. Liland Estacion na ang mga apektadong indibidwal ay naka admiot ngayon sa Bais City hospital habang ang iba’y nagpapagaling lang sa kani-kanilang mga tahanan.
Sa pinakahuling data na inilabas, 123 na mga kaso ang naitala sa buong probinsya ng Negros Oriental mu7la Enero 1 hanggang Abril 1 ng kasalukuyang taon at mas mataas umano ito ng 54% kumpara noong nakaraang taon na may 80 kaso lang.
Kaugnay nito, nagsagawa na umano sila ng pag-assess sa mga water supply ng nasabing lugar at namigay ng medications gaya ng jerry cans at aqua tabs upang ligtas inumin ang mga tubig.
Nakikipag-ugnayan na rin umano sila sa local government units upang macontrol ang pagkalat pa nito.
Samantala, inanunsyo din ng provincial health officer na may naitala ng 2 nasawi dahil sa acute bloody diarhea.
Mula Enero 1 hanggang Abril 1 ng taong kasalukuyan, 252 kaso na ang naitala kung saan mas mataas umano ito ng 95 % kumpara sa kaparehong period noong nakaraang taon na 129 lamang.
Sa kaso naman ng dengue, 364 na kaso na ang naitala na may isang nasawi at 90% na mas mataas kumpara sa kaperhong period noong nakaraang taon.










