-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang negosyante sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Ricardo Mandaraog 62 anyos,may asawa,fish vendor at residente ng Barangay Camutan Antipas Cotabato.

Ayon sa ulat ng Antipas PNP,naglalakad umano ang biktima sa Barangay Poblacion sa bayan ng Antipas galing sa lamay ng kanyang yumaong kaibigan at pauwi na sa kanyang boarding house.

Hinarang si Mandaraog ng hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang suspek na umangkas sa motorsiklo sa naghihintay niyang kasama sa gilid ng kalsada.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Hustisya ngayon ang sigaw ng pamilya dahil wala naman umanong atraso o kaaway ang biktima dahil nagtitinda lamang ito ng isda.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Antipas PNP sa pamamaril patay sa biktima.