-- Advertisements --

Pinadapa ng Golden State Warriors ang katunggali nitong koponan na Cleveland Cavaliers sa score na 106-101.

Muling nagpamalas ng galing ang scoring champion ng Warriors na si Stephen Curry na nakapagtala ng 40 puntos, apat na rebounds at limang assists para sa kanilang ikalimang panalo.

Namangha naman ang coach ng Golden State Warriors kay Stephen dahil sa kabila ng kanyang edad na mid-30’ ay nananatili pa rin itong fit.

Sa panig ng Cleveland nanguna si Donovan Mitchell na nagbuhos ng 29 na puntos, 10 rebounds at nine assists para matigil ang team sa 8-4 record.

Sa ibang game naman, umuwing luhaan ang Milwaukee Bucks matapos mabigo itong manalo kontra sa San Antonio Spurs sa score na 111-93.

Nakapag-ambag si Keldon Johnson ng kabuuang 29 na puntos upang masilat nila ang NBA top team na Bucks.

Samantala, panalo na naman ang Sacramento Kings laban sa Los Angeles Lakers sa score na 120-114.

Tumipa ng kabuuang 32 na puntos, at season high na 12 assists ang Sacramento guard na si De’Aaron Fox na nakatulong upang manalo sila sa laro laban sa Lakers.

Si Anthony Davis ay nasayang ang diskarte na meron pa namang 24 puntos at 14 rebounds at malasap ng Lakers ang pagiging kulelat na ika-10 talo ngayong bagong season ng NBA. (with reports from Bombo Victor Llantino)