Humarap sa unang pagkakaton sa press conference si NBA Commissioner Adam Silver.
Kasunod ito nang masuspinde ang Phoenix Suns owner na si Robert Sarver dahil sa kinakaharap niyang workplace misconduct.
Sa kabila ng pagsuspinde kay Sarver, dinipensahan ni Silver na sapat na raw ang mga parusang ipinataw sa nagawang pambabastos at umano’y pagkomento ng malalaswa ni Sarver sa ilang mga babaeng empleyado.
Paliwanag naman ni Silver, napag-usapan at inaayos na raw nila ang nasabing isyu.
Samantala, una nang inanunsiyo ng NBA na pinatawan si Sarver ng $10 million fine at one-year suspension bunsod ng isyu sa alegasyon na “racism and misogyny” sa kanyang 17 taon na pagiging may-ari ng Suns.
“I think if they had made findings that in fact, his conduct was motivated by racial animus, absolutely that would have had an impact on the ultimate outcome here,” ani Silver. “But that’s not what they found.” (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)