-- Advertisements --

Binabantayan sa ngayon ng national government ang sitwasyon sa iba’t ibang kalapit na probinsya ng National Capital Region (NCR) para sa posibleng restrictions na ipatutupad makalipas na inilagay ang Metro Manila sa ilalim ulit ng Alert Level 3.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, mahigpit na binabantayan ng pamahalaan ang sitwasyon ngayon sa Cavite, Laguna, Rizal, at Bulacan na dati ay nakapaloob sa tinatawag na “NCR-Plus Bubble”.

Sa ngayon ay kumukuha na ng mga mahahalagang datos ang Department of Health sa naturang mga probinsya upang sa gayon ay magkaroon din sila ng malinaw na basehan sa kung kamusta na ang mga lugar na ito.


Kamakailan lang ay inanunsyo ng national government na ilagay sa mas strikto na Alert Level 3 ang Metro Manila simula ngayong Enero 3 hanggang 15, 2022 sa harap nang “exponential” spike ng COVID-19 cases sa rehiyon.

Noong weekend, sinabi pa ng OCTA Research group na ang Metro Manila ngayon ay nasa high-risk na ng COVID-19 transmission dahil tumaas pa lalo ang positivity rate nito.