-- Advertisements --

Nakatakdang isasagawa sa Setyembre 8 ang nationwide simultaneous earthquake drill
bilang bahagi ng pagsisikap ng bansa na maging handa laban sa mga natural calamities.

Inihayag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesman Mark Timbal na ang paparating na drill ay magbibigay-daan din sa mga mag-aaral na lumahok dahil ang ilang mga paaralan ay nagsasagawa na ng mga in-person classes.

Ang gagawing drill ay kasunod ng dalawang kamakailang malakas na lindol na tumama sa Luzon at Mindanao, partikular ang magnitude 7.0 na lindol sa Abra noong Hulyo at ang magnitude 5.5 na lindol sa Davao del Sur ngayong linggo.

Nanawagan din ang opisyal ng NDRRMC sa mga bata na babalik sa paaralan na magpabakuna laban sa COVID-19 upang maprotektahan laban sa respiratory illness.